Isiniwalat ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag nitong Huwebes, Hunyo 4 na nakatanggap sila ng impormasyon na sinuhulan ni dating congressman Mike Defensor ang bawat isa sa 18 ex-Marines ng P5 milyon para tumestigo bilang “bagment” ni dating congressman Elizaldy Co.
Sa pres conference, sinabi ni Matibag na lumapit sa kanya ang kaanak ng isa sa 18 umano’y Marines para isiwalat ang naturang impormasyon.
Aniya, ang NBI ay nag-isyu ng subpoena para kay Defensor at inatasan itong humarap para sagutin ang isyu.
Wala pang tugon si Defensor kaugnay nito.
Ang “18 ex-Marines” ay kasalukuyang nasa Senado para dumalo sa pagdinig ng blue ribbon committee para sa flood control scandal.
Trending
- Llover, Casimero dumating na sa Japan
- Serena Williams sabik na sumabak muli sa tennis
- Gary V, may dasal sa Senado
- Netizens, pinuri ang feeding program ni Joel Torre
- Andrea Brillantes, Franchesko walang pa-couple post sa Africa
- Bigas mula kay Leviste ipamimigay sa mahihirap
- P480 traveler fee na mungkahi ng BI ‘di pa aprubado
- Higit P13m ismagel yosi inabandona sa Lanao Del Sur

