Nakadiskubre ng nabubulok na bangkay Isang magsasaka na naghahanap ng kabute sa isang kagubatan sa Barangay Bagalay, Tayum, Abra ang ng isang hindi pa nakikilalang lalaki bandang tanghali noong Miyerkules.
Agad niyang ipinaalam ang natuklasan sa isang barangay tanod, na siyang nag-report sa Tayum Municipal Police Station.
Ayon sa pulisya, tinatayang tatlo hanggang apat na araw nang patay ang lalaki. Tinatayang 30 hanggang 40 taong gulang, may taas na humigit-kumulang limang talampakan, at asul-berdeng shorts lamang ang suot nang matagpuan.
Wala umanong residente sa barangay ang nakakakilala sa biktima, kaya pinaniniwalaang maaaring taga-ibang lugar ito.
Sa paunang pagsusuri ng pulisya, wala ring nakitang malinaw na panlabas na sugat sa katawan.
Nakikipag-ugnayan na ang Tayum police sa iba pang ahensya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng lalaki at ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Hinikayat ng mga awtoridad ang sinumang may nawawalang kamag-anak o may impormasyon tungkol sa biktima na makipag-ugnayan sa Tayum Municipal Police Station.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

