Natagpuang patay ang 15-anyos na dalagita sa Pasig City na napaulat na nawawala mula pa noong Marso 18.
Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima 2:00 ng hapon sa loob ng isang pabrika ng feeds o pagkain ng hayop sa Barangay Santolan, Pasig City.
Natunton ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng dalagita sa pamamagitan ng isinagawang backtracking gamit ang mga kuha ng closed-circuit television (CCTV) cameras.
Positibo nang kinilala ng pamilya ang bangkay ng dalagita, na isasailalim sa awtopsiya upang matukoy ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.
May natagpuan ding nylon cord malapit sa bangkay ng biktima na susuriin bilang bahagi ng imbestigasyon.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya dahil hindi pa malinaw kung may ibang taong kasama ang dalagita bago ang insidente.

Share.
Exit mobile version