Patay na nang matagpuan ang isang 15-anyos na dalagita na ilang araw na iniulat na nawawala sa Goa, Camarines Sur.
Ayon sa pulisya, tatlong bata ang nakakita sa bangkay sa isang bakanteng lote sa Zone 3, Barangay Matacla 10:15 ng umaga noong Agosto 21.
Nawawala ang dalagita mula pa noong Agosto 17.
Batay sa paunang forensic examination, posibleng sinakal ang biktima. Wala umanong nakitang ibang malinaw na sugat sa kanyang katawan o ulo.
Gayunman, nilinaw ng mga awtoridad na hindi pa pinal ang sanhi ng pagkamatay at kailangan itong kumpirmahin sa pamamagitan ng awtopsiya.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga pangyayari bago namatay ang dalagita at kung may taong may pananagutan sa insidente.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

