Hindi na kailangang maghintay pa nang matagal ang mga pampublikong guro at iba pang kawani ng gobyerno sa adjustment ng kanilang sahod dahil sa ipatutupad na automatic release program ng Department of Budget and Management (DBM).
Ayon kay DBM acting Secretary Kim Robert de Leon, isinusulong nila ang pagpapalit sa umiiral na request-based process sa Personal Services para sa mas proactive na sistema upang madetermina ang funding gaps mula sa updated plantilla records ng mga ahensiya at maipalabas kaagad ang kinakailangang pondo ng hindi na hintayin ang hiwalay na request.
Target ng ahensiya na masubukan ang bagong sistema sa pagsisimula ng fourth quarter ng taon.
Sa ilalim ng planong reporma, sinabi ni de Leon na aalisin na ang hiwalay na funding request, bagkus ang kailangan na lamang ay i-update ng ahensiya ang kanilang plantilla master list at awtomatikong ibibigay ang pondo para sa kanilang mga empleyado.
Sinabi ni de Leon na binabalangkas na ng DBM ang opisyal na polisiya para sa bagong sistema at target na mapirmahan ito bago matapos ang buwang kasalukuyan.
Sinabi ni de Leon na partikular na makikinabang dito ay mga pampublikong guro na na-promote sa ilalim ng Expanded Career Progression (CEP) System.
======
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
