Ano pa ba ang dapat asahan kay Mariel Rodriguez—natural, ipagtatanggol niya ang asawang si Senator Robin Padilla?
Expected na nga ang pagiging defensive ng TV host-actress sa asawang mambabatas kaugnay ng mga kaganapan sa Senado.
Naiulat kasing si Robin ang huling kasama ng “pinatakas” niyang si Sen. Bato de la Rosa na nahaharap sa arrest warrant ng ICC bilang co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Crimes against humanity kaugnay ng madugong war on drugs ang ipinapanagot sa kanila.
Naiulat na bandang 2:30 o 2:45 ng madaling araw nang ipuslit ni Robin si Bato palabas ng Senado.
Dahil dito’y maaaring humarap sa kasong “abetting a fugitive” si Robin, alongside Senate President Alan Peter Cayetano.
Hindi maiaalis kay Mariel na idepensa si Robin.
Ito’y sa pamamagitan ng isang “cryptic post” sa social media.
Loosely translated, inalmahan ni Mariel ang pambabatikos sa asawa.
Giit niya, baka nga daw mas marami pang nagawang tama si Robin—kung kaya’t ‘di makatarungang ituon lang ang pansin sa ginawa nito sa isang kabaro.
Nakahanap naman ng ilang kakampi si Mariel.
Gayunpaman, kung bilang at bilang pa rin ang pagbabasehan, maliit na porsyento lang ang sumasang-ayon kay Mariel.
Dehado pa rin ang TV host-actress in terms of number.
Pinayuhan pa ng mga ‘di sang-ayon si Mariel na mas mabuting huwag nang mag-post ng kanyang mga pro-Robin na saloobin, dahil pati siya’y idinadamay ng mga netizens.
“A silent support will do…it’s much more decent and does not arouse public furor,” nagkakaisang opinyon ng mga netizens.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
