Sumugod sa harap ng tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang mga magulang ng mga biktima ng Dengvaxia vaccine upang ipanawagan na hayaang gumulong ang kaso sa korte.
Sa kanilang liham kay Justice Secretary Frederick A. Vida, buong puso at may kababaang-loob na hinihiling ng mga magulang na huwag hadlangan ang kanilang kaso.
Giit nila, ipaubaya na lamang ito sa hukuman kung saan ang bawat ebidensiya ay maririnig at ang katotohanan ay mabibigyan ng pagkakataong lumitaw.
Naniniwala rin sila na ang hustisya ay masusumpungan sa isang malaya at patas na proseso.
Sa pamamagitan ng pamumuno ni Justice Vida, umaasa ang mga kamag-anak ng mga batang biktima ng Dengvaxia na ang katarungan ay hindi magiging hadlang kundi magiging daan upang mabigyang-linaw ang lahat.
Ang kanilang panawagan ay hindi laban sa sinuman kundi para sa katotohanan at katarungan na matagal na nilang hinihintay.

Share.