Hinatulan ng pagkakakulong sa Northern Mariana Islands sa United States ang mag-inang Pilipina matapos umanong mapatunayang sangkot sa isang school procurement fraud at money laundering.
Ayon sa US prosecutors, si Clarissa Adlawan, 55, ay sinentensiyahan ng 48 buwang pagkabilanggo habang si Giselle Butalid, 34, ay hinatulan ng 18 buwang pagkakulong ng korte sa Saipan noong Mayo 6.
Lumabas sa imbestigasyon na ginamit umano ng mag-ina ang kanilang kumpanyang One Legacy LLC upang makakuha ng bayad para sa mga educational material na hindi naman in-order ng CNMI Public School System.
Si Butalid, na dating empleyado ng school system, ay umano’y nameke ng mga dokumento upang maitago ang mga “ghost purchases”.
Ayon sa mga prosecutor, ginamit ng mag-ina ang perang nakuha sa madalas na biyahe sa Pilipinas, pananatili sa mamahaling hotel, malalaking cash withdrawal, at pagpapatayo ng bahay na may siyam na silid sa Pilipinas.
Iniutos din ng korte na bayaran nila ang $548,788 o tinatayang P33 milyon bilang restitution at kinumpiska ang dalawa nilang ari-arian sa Pilipinas.
Bukod sa pagkakakulong, hinatulan din ang dalawa ng tatlong taong supervised release at 100 oras na community service.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
