Nauwi sa trahedya ang pagdalo ng isang mag-asawang Pilipino sa isang birthday celebration matapos silang malunod habang nagpa-paddle boarding sa isang lawa sa Canada.
Kinilala ang mga nasawi na sina Genesis Jeru Bague at Mariz Bello, kapwa 33-anyos at tubong Pampanga.
Nangyari ang insidente noong Mayo 30 sa Browning Lake na matatagpuan sa loob ng Murrin Provincial Park sa Canada.
Nagtatrabaho ang mag-asawa sa Vancouver at nakauwi pa sa Pilipinas noong nakaraang taon upang sorpresahin ang kanilang mga pamilya.
Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang kanilang mga kaanak sa mga kinauukulang tanggapan sa Canada at Pilipinas upang maasikaso ang pagpapauwi ng kanilang mga labi.
“Sobrang bigat kasi sobrang daming gumuho sa mga pangarap ni Mariz. Sobrang laking panghihinayang namin lalo na sa kanilang dalawa dahil bubuo pa lang sana sila ng pamilya nila,” malungkot na pahayag ni Angelie Bernel, kapatid ni Mariz.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

