Nasagip ang dalawang mangingisda na mag-ama ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos nang maiulat na nawawala sa karagatan sa pagitan ng San Andres, Quezon at Pasacao, Camarines Sur nitong Lunes, Agosto 24.
Nakilala ang mga ito na sina Dionesio De Leon at anak niyang si Raymond Francisco De Leon, na sakay ng fishing banca na FBCA Loribeth nang matagpuan ng joint search and rescue team dakong alas-2:30 ng hapon, may isang nautical mile mula sa Alibijaban Island.
Agad silang inihatid sa San Andres Port para sa paunang medical assessment at kapwa nakitang walang anumang nakikitang pinsala o karamdaman.
Ayon sa mag-ama, nagkaroon ng problema sa propeller ng kanilang bangka habang pauwi mula sa kanilang regular na pinangingisdaan kaya inanod ang kanilang banca patungo sa karagatang sakop ng Pasacao.
Nang maayos ang makina, nagpatuloy sila sa paglalayag pabalik ng San Andres hanggang sa matagpuan ng pinagsanib na rescue team ng PCG, MDRRMO San Andres at mga lokal na volunteer.
Nagpaalala naman ang PCG sa mga mangingisda na tiyaking maayos ang kondisyon ng kanilang bangka at makina, may sapat na communication equipment, bantayan ang lagay ng panahon at ipaalam sa pamilya o kinauukulan ang kanilang lokasyon bago pumalaot.
=====
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
