Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa katapatan ng pulisya at mga militar kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, hindi na kailangan ang loyalty check sa mga ito.
”Loyalty check? Wala po, kampante po ang Pangulo. Ang ginawa naman po ng administrasyon ay naaayon sa batas,” ani Castro.
Matatandaan na pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga ulat ng umano’y pagbibitiw sa serbisyo ng mga tauhan nito para suportahan si Duterte.
Hinimok ng militar ang publiko ”to exercise critical discernment and avoid spreading unconfirmed information.”
Itinanggi rin ng Philippine National Police ang kaparehong ulat.
Trending
- Typhoon Ada, walang pasok ngayon
- Mga Kaso ni Zaldy Co hiwa-hiwalay lilitisin ng Sandiganbayan
- CIVIL-MILITARY JUNTA : IBINUNYAG NI LACSON
- All-Japan : Nikoy Lining pasok sa Round of 32
- All-Japan : NikoyLining pasok sa Round of 32
- ICC : HATOL KAY DIGONG SA NOB. 28, 2025
- BERSAMIN; PANGANDAMAN OUT; RECTO, TOLEDO IN
- Kaso ni Digong sa ICC nakasalalak
