Isang bagong achievement ang ipinagdiwang ni Lorna Tolentino matapos niyang ibahagi na isa na siyang Philippine Navy Reservist.
Sa kanyang Facebook page, nag-post ang premyadong aktres ng ilang larawan kasabay ng mensahe tungkol sa kanyang bagong milestone.
“Discipline is choosing to finish, even when it’s hard. Just finished. Lorna Tolentino Fernandez, at your service. Philippine Navy Reserve Command. Mabuhay ang Pilipinas!” saad ni Lorna.
Agad namang umani ng positibong reaksiyon ang kanyang post, dahil umano sa kanyang edad na 64 ay aktibo pa rin ang aktres.
Para sa kanyang fans at followers, patunay lamang ang bagong achievement na ito na hindi hadlang ang edad para sumubok ng panibagong bagay at magkaroon ng mga bagong milestone sa buhay.
====
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

