Nasawi ang isang lalaki nang i-hostage ang sarili niyang pamangkin na babae 7:10 ng umaga sa Purok 6, Barangay Legarda 3, Dinas, Zamboanga del Sur.
Ayon sa ulat, agad rumesponde ang mga pulis sa lugar at matagumpay na nailigtas ang batang biktima.
Gayunman, sinasabing nanlaban umano ang suspek at inatake ang mga rumespondeng otoridad, kaya napilitan ang mga ito na barilin siya upang makontrol ang sitwasyon.
Nabatid din na nagtamo ng sugat ang suspek mula sa sarili nitong kutsilyo habang nagaganap ang insidente.
Agad siyang dinala sa ospital ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang motibo ng suspek at ang iba pang detalye ng pangyayari.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
