Ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pansamantalang pagsuspinde ng power disconnection para sa residential at non-residential consumers na hindi makabayad ng kanilang kuryente mula Mayo hanggang Hulyo 2026, kasabay ng pagbibigay ng installment payment options.
Sinabi ng ERC na maaaring bayaran ang bill sa loob ng hanggang tatlong buwang hulugan.
Pinapayagan din ang flexible payment arrangements para sa konsumo ng kuryente na hindi lalampas sa 200 kilowatt-hours kada buwan.
Dagdag pa ng ERC, ang pagbabayad ng distribution utilities ay maaaring ipagpaliban ng hanggang tatlong buwan, kung saan ang gastos ay paghahatian ng mga power generators, bilang hakbang upang maibsan ang epekto ng mataas na singil sa kuryente na dulot ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA









