Agaw-eksena ang isang kotseng tinakbuhan umano ang gasolinahang pinagkargahan niya ng gasolina sa Cebu.
Ayon sa mga ulat, tinatayang nasa P500 ang halaga ng gasolinang ipinakarga ng driver ng naturang sasakyan.
Matapos malagyan ng gasolina ang sasakyan, card payment umano ang inalok ng driver sa crew ng gasolinahan, dahilan kung bakit iniwanan niya muna saglit ang driver upang kunin ang card thermal machine. Subalit, pagbalik niya sa puwesto ay wala na raw ang sasakyang ka-transaksyon niya sana.
Sa tulong ng CCTV ng gasolinahan, nagawang matukoy ang ilang mahahalagang detalye ng ng nasabing sasakyan.
Doon napag-alamang naka-temporary plate number lamang ang sasakyan, isang indikasyon na bagong bili pa lamang daw ito.
Agad na nakipag-ugnayan sa kinauukulan ang pamunuan ng naturang gasolinahan hanggang sa natukoy ang pagkakakilanlan ng driver.
Depensa ng driver, nakalimutan lang daw niyang magbayad kaya siya biglaang umalis sa gasolinahan.
Sa huli, napilitan pa ring magbayad ang nasabing driver.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

