Dineliber ni Kim Kayoung ng South Korea ang pambihirang kinang sa career, sinalpak ang nakagugulantang na kailangan – solidong 68 – para sa one-stroke victory kontra Thai Nook Sukapan sa ICTSI Worldwide Link Philippine Ladies Masters sa The Country Club sa Sta. Rosa, Laguna noong Biyernes ng hapon.

Walang patid pa rin ang nakakakabang collercoaster final round sa maraming palitan ng mga nagtatrangka dahil sa malupit na kondisyon, nagpadagdag ng drama na hindi makontrol ng mga player, kaya pukpukan hanggang matapos.

Pero para ang araw sa Koreana na nireserba ang buong husay sa huli para hablutin ang unang tagumpay. Binirdie niya ang apat sa unang 10 butas upang mag-rally sa apat na palong pagkakaiwan kay second day leader, kababayang si Kim Ahyeon, pinaglabanan pagkaraan ang ratsada sa mga par pa-bogey-free round 33-35 sa uri ng laro na nagpapanalo ng kampeonato.

“I remember it so vividly,” ani Kim sa pamamagitan ng translator. “Right after I looked up at the leaderboard, my second shot found the bunker. But I stayed calm, focused and executed the shot I needed to save par.”

Para sa kanya higit pa sa tropeo, ang pinakamahalaga ay ang matagal nang pangarap.

“Winning is something I’ve always dreamed of. And when a dream becomes reality, it’s hard to believe,” kuda ni Kim, na magbe-23-anyos sa Feb. 28 at tumanggap ng $300,000 mula sa $200K taya sa torneo, na pinagtulungan ng Ladies Philippine Golf Tour, Korean Ladies Professional Golf Association Dream Tour at LPGA of Taiwan..

“It’s an incredible birthday present – and a Valentine’s gift at the same time,” hirit pa niya na nag-78 sa opening at 68 din noong Huwebes para sa seven-under 209 total.

May 69-210 si Sukapan at $21K samantalang tersera si Wang Li-Ning ng Chinese Taipei sa 72-211 at $16K.

Tumabla sa pang-apat si Pauline Del Rosario para maging top Pinay finisher sa 72-212 kabuntot sina Dottie Ardina na may 70 para sa pagbuhol sa 24th sa 218, kasalo sa ika-31 si Florence Bisera sa 220 tapos ng 76, at si Samantha Bruce nag-73 tungo sa joint 38th na may 221.

Share.