Naaresto ang isa sa responsable sa pagpatay sa dalawang kasapi ng Regional Mobile Force Battalion 12 ng Police Regional Office 12 noong July 7 sa Barangay Tinumigues sa Lambayong, Sultan Kudarat Martes, August 18.
Kinilala ang naaresto na si Norhamin Dalgan, mas kilala sa alias niyang Ogie, residente ng Barangay Mao sa Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao del Sur, ay nakapiit na sa isang police detention facility.
Ayon sa mga officials ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, natunton si Dalgan ng mga operatiba ng iba’t-ibang units ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ng PRO-BAR sa Barangay Poblacion sa Ampatuan, Maguindanao del Sur noong Martes.
Ayon sa mga barangay at municipal officials sa Ampatuan at mga karatig na bayan sa Maguindanao del Sur, si Dalgan ang isa sa mga nakapatay kina Patrolman Apollo Morante Pagurayan at Patrolman Joerel Basilan Bullos ng RMFB 12 sa isang ambush noong gabi ng July 7 sa isang liblib na parte ng highway sa Barangay Tinumigues sa Lambayong.
Magkaangkas sina Pagurayan at Bullos sa isang motorsiklo, pabalik na sa kanilang detachment, ng tambangan ng mga armadong mga lalaki, isa sa kanila si Dalgan, na nagresulta sa kanilang agad na pagkamatay.
Tinangay nila Dalgan at kanyang mga kasama ang mga combat rifles ng dalawang ambush victims na government property, ang kanilang mga relo at mga pitaka sa kanilang pagtakas, iniwang silang nakabulagta sa highway, parehong wala ng buhay.
Ang mga residente mismo ng Barangay Poblacion sa Ampatuan ang nag-ulat kina Major Guiseppe Tamayo, chief of police sa naturang bayan, at Col. Michael John Mangahis, Maguindanao del Sur provincial police director, hinggil sa presensya ng suspect sa kanilang lugar kaya agad na naisagawa ang operation na nag resulta sa kanyang pagka-aresto.
May kinakaharap na mga kaso si Dalgan sa Regional Trial Court Branch 20 sa Tacurong City sa Sultan Kudarat, kaugnay ng kanyang pagkakasangkot sa ambush ng dalawang mga pulis.
Kusang loob na nagpa-aresto ang suspect ng pakitaan ng mga pulis ng warrant of arrest mula sa naturang korte, may lagda ni Judge Factor Mesa, kaugnay ng ng kasong kanyang kinakaharap sa kanyang pagkakasangkot sa pag-ambush kina Pagurayan at Bullos na nagsanhi sa kanilang agarang pagkamatay.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
