Nauna nang kumalat ang altar date nina Bea Alonzo at Vincent Co–sa May 16 ng kasalukuyang taon.
Ito’y gaganapin sa Spain.
Maliban dito’y may seremonya ding gaganapin sa Paco, Maynila.
Pero sa latest report ng PEP, may ilang pagbabago sa peta ng kasalan–ayon sa source nito.
Hindi sa May 16 as earlier reported kundi mas maaga.
Narito ang bahagi ng ulat ng PEP: Sa May 14 umano nakatakda ang kasal nina Bea at Vincent sa Spain.
Sa May 12 ay may idaraos na welcome party, two days before the wedding.
Dadaluhan ito ng mga guests ng mga ikakasal — na gaganapin sa Jerez de la Frontera.
Ang mismong kasal ay gaganapin sa Seville.
Ang Jerez de la Frontera at Seville ay kapwa matatagpuan sa Andalusia, situated in the southern part of Spain.
An autonomous community, one-hour drive ang pagitan ng Jerez de la Frontera at Seville sa isa’t isa.
Napag-alamang may business ang pamilya ni Vincent sa Jerez de la Frontera.
Ito’y ang negosyong winery, tinatayang almost 150 years old na–famous for its Sherry wine and brandy.
Taong 2025, hinirang na pangsiyam ang mga magulang ni Vincent–na sina Lucio at Susan–sa Philippines’ 50 Richest ng Forbes.
Nasa retail business din sila who own Puregold and S&R.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman

