Natagpuang wala nang buhay ang 78-anyos na Amerikanong senior citizen sa loob ng kanyang inuupahang bahay sa Menzi Village, Barangay Agusan Canyon, Manolo Fortich, Bukidnon, noong umaga ng Agosto 22, 2026.

Batay sa ulat ng Manolo Fortich Municipal Police Station, 6:00 ng umaga nang matagpuan umano ng 46-anyos niyang live-in partner ang biktima na nakahiga at hindi na humihinga.

Agad itong isinugod sa Polymedic Medical Hospital, nguni’t idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, wala umanong nakitang palatandaan ng foul play sa pagkamatay ng biktima.

Nabatid din na mayroon itong mga iniindang karamdaman, kabilang ang lymphoma at prostate cancer, na tinitingnan ng mga awtoridad bilang posibleng dahilan ng kanyang pagkamatay.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong sanhi ng insidente.

====

Share.
Exit mobile version