Nagkaroon ng diperensya sa pandinig ngayon si Andi Eigenmann.
Ito’y makaraang magkaroon ng infection ang kanyang kanang tenga.
Ito ang ibinahagi ni Andi sa kanyang Instagram Story.
Bale paalala na rin daw ito sa mga nakakakita’t nakakasalubong niya sa Siargao where she and her family are based.
“FYI, if you see me around the island, I temporarily can’t hear much in my right ear!” post ni Andi.
Nilinaw naman ni Andi na pansamantala lang daw ang kanyang kalagayan: “Currently healing from an ear infection. I also can’t talk much!”
Walang binabanggit si Andi tungkol sa sanhi ng kanyang impeksyon sa tenga.
Hiling ng mga netizens na maagad sana ang paggaling niya.
Surf-related kaya ang possible cause?
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
