Naghain ng motion to quash ang kampo ni Vice President Sara Duterte na humihiling na ibasura ang kasong grave threats na isinampa ng Department of Justice laban sa kanya sa Quezon City Regional Trial Court.
Ayon kay Prosecutor-General Richard Fadullon na nakatanggap na ang korte ng mosyon mula sa depensa ni VP Duterte.
Binigyan naman ng korte ang prosekusyon ng 5 araw para magsumite ng komento bago magdesisyon o resolbahin ng Korte ang usapin.
Pero mariing nilinaw ni Fadullon na hindi immune from suit ang isang bise presidente sa ganitong uri ng kasong kriminal.
“Hiwalay ang kasong kriminal sa impeachment proceedings” na kinahaharap din ngayon ni Duterte, ani Fadullon.
Nag-ugat ang kaso dahil sa kontrobersyal na pahayag ni VP Duterte noong 2024 kung saan sinabi umano niyang kumuha siya ng hitman laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay ipapatay. mangyaring masama sa kanya.
Ngayon, nasa korte na ang bola kung ibabasura o itutuloy ang paglilitis.
=====
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

