Pinag-iingat at pinayuhang magsuot muna ng face mask ang mga residente ng ilang lungsod sa Metro Manila dahil sa kalidad ng hangin.
Ito’y matapos maitala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Environmental Management Bureau ang “acutely unhealthy” PM2.5 na air quality level nitong Sabado, April 18, 2026, dakong alas-9:00 ng umaga sa Malabon, Marikina at Valenzuela.
“Very unhealthy” naman umano ang PM2.5 concentrations sa Caloocan, Navotas, at Quezon City at “unhealthy” sa San Juan City.
Ang PM2.5 ay mga pinong particles tulad ng “smoke and combustion products” na maaaring manuot sa bag at makapasok sa bloodstream ng isang indibidwal na posibleng pagmulan ng mga chronic illnesses.

Share.
Exit mobile version