Pinag-uusapan ngayon ang naging pahayag ni Kai Montinola sa love team culture sa bansa.
Ayon kay Kai, she has nothing against having a love team .
Katunayan, magandang pundasyon daw sa pagsisimula ang pagkakaroon ng ka-love team.
Gayunpaman, kung siya raw ang masusunod ay ayaw daw niyang matali sa loveteam.
For one, di raw niya bet na malimitahan ang kanyang artistry kung identified sa screen partner.
“If you let your love team revolve around your artistry, then people will see you just for your love team,” bahagi ng pahayag niya.
Bagama’t marami ang na-gets ang ibig niyang tumbukin, may ilang kafaneyan naman ang nalungkot lalo na iyong mga nagshi-ship sa kanya kina Andres Muhlach at Kyle Echarri.
Hirit naman ng mga nagmamahadera, ano raw kaya ang reaksyon ng KaiKyle at KaiAndres fandoms sa kanyang naging pahayag.
Well, prerogative naman ni Kai kung di niya bet na makulong sa loveteam.
At least this early ay gusto niyang maging independent and make a mark in showbiz on her own.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
