Ibinahagi ng celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na hindi sila kailanman nag-away pagdating sa pagpapalaki sa kanilang tatlong anak na sina Yohan, Lucho, at Luna.
Ikinuwento ng dalawa ang paraan nila ng pagdidisiplina sa kanilang mga anak, na natural nga raw na dumating sa kanila.
Nasubukan naman daw nina Yohan at Luna ang matinding disiplina gaya ng matagal na “kneel in the corner”, at minsan ay pinaluhod pa sa bato si Yohan.
“‘Yung parenting, never naming pinag-usapan. We never had a discussion about parenting. It just came so naturally kahit hanggang ngayon. We don’t have fights about parenting, we don’t have arguments,” sey ni Ryan.
“Maaaring mainit ‘yung ulo niya, maaaring mainit ‘yung ulo ko, but there were never arguments. We never come in each other’s way when it comes to the kids,” dagdag niya, na sinang-ayunan naman ni Juday na sinabing “naging automatic” na lang ang kanilang diskarte.
Ibinahagi rin ni Ryan na labis ang saya niya bilang ama dahil sobrang sweet at malambing sa kanila ang kanilang mga anak, kahit minsan ay pilyo.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

