With GMA executive Atty. Anette Gozon-Valdes in photo, marami ang naiintriga kung bakt kasama sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.
Nangangamoy project ba ito na pagsasamahan ng mga magulang ni Elias?
On her Instagram page, ibinahagi kasi ni Valdes ang kanilang photo together over dinner.
Seated beside each other ang mga nakangiting sina JLC at Ellen.
Caption ng network executive: “Ending the work week with exciting conversations.”
Puzzle tuloy sa marami ang post na ‘yon–lalo pa’t matagal-tagal na ding on hiatus ang former couple.
Posible daw na magsasama sina Lloydie at Ellen either in a GMA teleserye or movie under GMA Pictures.
Very noticeable ang pagiging sobrang on good terms ng dating partners.
Magugunitang super thankful si Ellen kay John Lloyd sa kanilang Amanpulo adventure in the company of Isabel Santos, the actor’s girlfriend and Lili, anak ni Ellen kay Derek Ramsay.
Huling napanood si JLC at Ellen sa isang sitcom sa ABS-CBN.
Sitcom din kaya ang susunod nilang pagsasamahan?
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
