Nag-viral sa social media ang emosyonal na sinapit ng isang jeepney driver nang tumirik ang kanyang minamanehong sasakyan sa kahabaan ng Alabang-Zapote nang maubusan ng diesel.
Dahil sa mahal ng diesel, patingi-tingi lamang daw kung magpakarga ang tsuper na si Allan.
Isang pasahero (@mejjjjj) ang na-videohan si Allan nang pilit na naghanap ng paraan para makabili ng diesel sa gitna ng sikat ng araw.
“Kakasakay ko pa lang, biglang tumigil ‘yung jeep. Hindi pala nasiraan kundi naubusan na ng diesel si tatay,” ani @mejjjjj.
“Walang choice. Tumakbo siya, may dalang puting galon, sa ilalim ng tirik na araw.
“Isa-isa nang bumaba ‘yung mga pasahero. Hanggang sa halos kalahati na lang kaming natira. 10 minutes… wala pa siya. 15 minutes… wala pa rin. Pwede naman akong bumaba. Hindi pa nga ako bayad. Pero naisip ko: paano kung pagbalik niya, wala na kaming lahat?” dagdag niya.
Nagpahayag naman ng simpatiya ang mga netizen sa kawawang driver:
“Ang sakit sa puso.”
“Sana tayo pasaheros umintindi kahit dagdagan nalang konti sa mga tsuper.”
“Tapos ‘yung mga crocs na nasa gobyerno wala man lang maisip na solusyon.”
Kamakailan inihayag ng Department of Energy na hindi inaalis ang posibilidad na pumalo pa sa P200 ang kada litro ng diesel dulot ng digmaan sa Iran.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman
