Napukaw ang atensyon ng publiko sa lumutang na larawan ng aktres na si Issa Pressman na tila nagdadalang-tao raw.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Lunes, Mayo 4, pinag-usapan ang nasabing larawan ni Issa na pinagpiyestahan ng netizens.
“Mayroong picture na lumabas sa Reddit at ang comment nila kung buntis ba si Issa Pressman courtesy of James Reid,” saad ni showbiz insider Ogie Diaz.
Pero kung siya ang mismong tatanungin, “Baka anggulo lang ‘yon. Mali lang ‘yong anggulo kaya ‘yong pagkakakuha nagmukha tuloy malaki ang tiyan ni Issa.”
Ayon pa sa showbiz insider, posible rin umanong busog o bagong kain ang aktres nang kunan ng litrato kaya bahagyang umusli ang tiyan nito.
Matatandaang minsan na ring inintriga si Issa na magpapakasal na siya kay James Reid matapos umanong maispatan ang suot niyang engagement ring.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

