Pumalo sa three-year high na 7.2% ang inflation sa Pilipinas noong Abril.
Ito ay dahil sa epekto na rin ng tensyon sa Middle East na nagpataas sa presyo ng produktong petrolyo at kalaunan ay sa mga pagkain, transportasyon at iba pang ginagamitan nito.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nitong Martes, Mayo 5, ang consumer prices ay bumilis mula sa 4.1% noong Marso.
Ito na ang pinakamabilis mula noong Marso 2023 nang naitala ang 7.6% na inflation.
Nalampasan nito ang target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2%-4%.
Pinakamalaking ambag sa pagbilis ng inflation ang food costs sa 37.3 percent, na tumaas sa 6% mula sa 2.9% sa sinundang buwan.
Sumunod dito ang transportasyon sa 33.1 percent share sa pagtaas sa 21.4% mula sa 9.9%.
Ito ay dahil na rin sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Nasa ikalawang buwan na ang nagpapatuloy na giyera sa Middle East at hanggang ngayon ay wala pang posibilidad na matapos ito bagamat mayroong nagpapatuloy na peace talks sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

