Nabisto ng mga awtoridad ang hinihinalang iligal na small-scale mining operation sa Misamis Oriental matapos maabutan ang operator na nagpoproseso ng mineral ore nang walang permit sa bulubunduking barangay ng Limonda, sa bayan ng Opol.
Sinalakay ng tropa ng pamahalaan at pulisya ang site sa Zone 2 bandang 5:20 ng hapon noong Miyerkules at nasamsam ang tinatayang P280,000 halaga ng mineral ore at naaresto ang 29-anyos na residenteng kinilalang si “Gil.”
Nahuli ng mga operatiba na binubuo ng mga tauhan mula sa Opol Municipal Police Station, 2nd Provincial Mobile Force Company ng Misamis Oriental, Regional Mobile Force Battalion 10, Philippine Army 88th Infantry Battalion, Task Force Opol, at Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang suspek na nagpapatakbo ng ball mill drums.
Nang hingan ng kaukulang dokumento ay walang naipakita ang suspek.
Dahil dito ay inaresto siya on th spot.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang 10 ball mill drums na naglalaman ng 16 bag ng unfinished milled ore.
Kasalukuyang naka-detain ang suspek sa Opol Municipal Police Station, at nahaharap sa reklamong paglabag sa Philippine Mining Act of 1995 (RA 7942).
Dinala rin sa pulisya ang mineral ore para sa dokumentasyon at tamang disposisyon, habang ang 10 ball mill drums ay inilagay sa temporary custody ng Barangay Limonda council bago iturn-over sa MGB.
======
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

