Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng umano’y iligal na sigarilyo sa San Isidro, Davao Oriental.
Nakumpiska sa kanila ang 59 na master cases ng umano’y iligal na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P3.8 million.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga nasabing narekober na sigarilyo ay walang Graphic Health Warnings at BIR Excise Tax Stamps.
Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10643 o Graphic Health Warnings Law at Republic Act No. 8424 o National Internal Revenue Code of 1997 ang mga nasabing naarestong indibidwal.
===
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
