Narekober ng mga operatiba ng Philipine National Police (PNP) ang mga hinihinalang smuggled na sigarilyo sa isinagawang operasyon sa Brgy. Liangan, Picong, Lanao del Sur,kaninang madaling araw.
Sa ulat ng pulisya, nakuha ang mga nasabing kontrabado na inabandona sa isang bakanteng lote sa gitna ng mga kabahayan.
Kung saan wala silang naabutan na mga tao sa lugar.
Nasa 310 master cases ng ibat-ibang sigarilyo ang nakuha sa lugar na tinatayang nagkakahalaga ng higit 13 milyong piso.
Napagalaman na ang mga nasabing sigarilyo ay walang Department of Health (DOH) warnings at opisyal na tax stamps mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sinubukan naman ng mga awtoridad na makipagugnayan sa lokal na Barangay ngunit tumanggi namang magbigay ng pahayag kaugnay ng nagmamay-ari ng nasabing mga nasamsam na items.
=====
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

