Nasamsam ng Police Regional Office 3 (Central Luzon) ang mahigit P1.38 milyon na halaga ng ilegal na sigarilyo sa magkakahiwalay na operasyon sa Nueva Ecija at Pampanga mula Abril 6 hanggang 7.
Ayon sa PRO-3, bahagi ito ng pinalakas na kampanya laban sa iligal na transport at distribusyon ng mga produktong tabako na walang buwis sa rehiyon.
Sa Nueva Ecija, naharang sa checkpoint sa Zaragoza 11:30 ng gabi noong Abril 6 ang isang puting Nissan Urvan na may laman na 85 kahon ng ilegal na sigarilyo na tinatayang P1.02 milyon ang halaga. Dalawang suspek, isang 46-anyos na driver at 36-anyos na helper, ang naaresto matapos mabigong magpakita ng kaukulang dokumento.
Sa Pampanga naman, 12:20 ng gabi noong Abril 7, isang buy-bust operation sa Arayat ang nagresulta sa pagkakaaresto ng 43-anyos na lalaki at pagkakasamsam ng 19 kahon ng ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng P360,000, kasama ang sasakyang ginamit sa transaksyon. May isa pang suspek na pinaghahanap pa.
Ayon sa pulisya, walang tax stamps mula sa Bureau of Internal Revenue ang mga nakumpiskang sigarilyo, na paglabag sa National Internal Revenue Code.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

