Handang-handa na si Carla Abellana sa posibilidad na magkaroon ng anak at suportahan ang pag-aaral ng mga ito.
Sa kanyang IG post, ipinasilip muna ni Carla ang walk-in closet nito sa kanyang bahay at kung saan naka-puwesto ang mga damit ng kanyang asawang doktor.
Sa vlog nito, ipinakita ni Carla ang isang bahagi ng closet kung saan naka-hanger ang mga pang-itaas na kasuotan ng asawa.
Sabi pa niya, masarap raw sambitin ang mga katagang “mga damit ng kanyang husband”.
Pero hindi lang naman ito ang puwesto ng kanyang mister kundi meron pa ito sa loob ng kanilang bedroom.
Nakalagay raw sa loob ng compartment sa ilalim ng kanilang kama ang iba pang gamit ng asawa nya.
Ipinakita rin ni Carla ang kanyang Hermeś bag na nasa itaas ng cabinet.
Ayon kay Carla, hindi niya ginagamit ang nasabing bag at naroon lang ito sa itaas.
Makikita ngang may paper protection pa ang lock strap ng kanyang bag, na parang hindi pa nga nagagamit ng aktres.
Ibinida na Carla na napakamahal ng bag na pang ‘tuition’ raw ng kanyang mga anak.
Kaya naman pinaka-iniingatan ni Carla ang bag para may magamit o pang-back up siya sa pag-aaral ng mga magiging supling nila.
Alam na raw ng mga manonood kung magkano ang bag dahil pang-tustos ito sa tuition fee.
Ngayong araw pa lang mapapanood ang kabuuang vlog ni Carla sa kanyang buhay may-asawa. Pero nagpatikim na muna sya sa IG.
Trending
- ‘Di ako takot sa Trump admin – Pope Leo
- Brgy. officials sa ikatlong termino, disqualified na sa BSKE 2026
- Biyenan, 2 kasabwat sa pagpaslang sa manugang timbog
- Waiter may kasong frustrated murder timbog sa Caloocan
- Padre-de pamilya patay sa ambush
- P178m bulok na karne, isda narekober sa MICP
- 10 katao kulong sa iligal na minahan
- Pawnshop nilimas ng ‘Termite Gang’ sa Pasay

