Sa kanyang game show, nagbigay ng side comment ang TV host-actress na si Heart Evangelista tungkol sa isang binasang katanungan sa contestants.
Tanong niya: “Mas pipiliin mo ba ang asawang maraming bisyo pero masipag, o walang bisyo pero tamad?”
Komento naman niya: “Bisyo ko shopping, pero kung magtrabaho ako, nahihimatay, naoospital– everything, para mabili ko ‘yung gusto ko. So wala naman akong sinasaktan nang dahil do’n.”
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang kanyang side comment.
Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.
“At least, honest siya na adik siya sa shopping.”
“Mahal namang bisyo niyan.”
“Tama naman. She’s working to death para mabili ang gusto niya.”
“Defensive si teh.”
“That’s clean money.”
Si Heart ang host ng pinakabagong game show na “The People Have Spoken.”
======
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

