Tagilid ngayon ang mga haters ni Ashtine Olviga sa management nito, ang Viva.
Nagbanta kasi ang Viva na kakasuhan nila ang mga taong patuloy na naninira sa reputasyon ng kanilang mga hawak na artist.
Makikita ito sa Instagram, kung saan inihayag ng Viva ang kanilang proteksyon kay Ashtine.
Online libel ang posibleng kaharapin ng mga haters na ito.
Ang cyberlibel o online libel ay isang malubhang krimen na may kalakip na parusa sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act and/or Safe Spaces Act of 2019.
Hindi daw kukunsintihin ng Viva ang online harassment, hateful conduct o anumang pagkakalat ng peke at misleading information.
Warning pa ng Viva: “Relevant messages and posts are being documented through preservation of screenshots, links, timestamps and account identifiers and these will be referred to the proper authorities for case buildup and other appropriate measures if needed.
“Viva Artists Agency remains committed and vigilant in protecting the reputations, rights, names and images of its artists.”
Ikinagalak naman ng mga fans ni Ashtine ang hakbang at suporta na ito ng management office ng dalaga.
====
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

