Nagtamo ng mga shrapnel wounds ang 22-anyos na lalaki sanhi ng pagsabog ng granada sa Barangay Curahab sa Malabang Lanao del Sur noong Huwebes ng hapon, June 25.
Sa report, nahagip ang biktima ng mga shrapnel sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan ng sumabog malapit sa kanyang kinaroroonan ang isang fragmentation grenade na hinagis sa isang bakuran sa Barangay Curahab ng isa sa mga lalaking sakay ng isang kulay puti na minivan na dumaan sa naturang lugar.
Sa inisyal na ulat ng mga imbestigador ng Malabang Municipal Police Station at ni Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, mabilis na nakatakas ang mga responsable sa pagpapasabog ng naturang granada.
Ayon kay Salanguit, agad na dinala ang biktimang sugatan sanhi ng naturang grenade explosion sa Doctor Serapio MontaƱer Hospital sa Malabang upang malapatan ng lunas.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

