NAGPROTESTA  ang isang bagong   kilusan na  kinabibilangan  ibat-ibang grupo ng makabayang  Pilipino sa harap ng Embahada  ng Tsina sa Makati upang tahasang  tutulan  ang pagpapakalat ng mga  maling impormasyon upang maangkin ang isla ng Palawan.

Ang daan-daang  Pilipino na nasa ilalim ng Filipinos  Do Not Yield  Movement (FDNY-Movement) na  nagtipon-tipon sa harap ng  embahada ay nagsabing isang lantarang  pambubully sa   karapatan ng Pilipinas  at paglapastangan sa bawat mamamayang Pilipino

Sa pamumuno ni Dr. Jose Antonio “Ka  Pep” Goitia, first nominee ng ANG BUMBERO NG PILIPINAS (ABP) party list ang ginawa nilang protesta ay pagpapakita  ng kanilang pagmamahal sa bayan at makabayang  pagtindig laban sa  agresibong  pagpapalawak ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“Dapat  nang wakasan ang kalokohang ito. Hindi namin papayagan na   agawin ang aming   mga teritoryo  at mga karapatan sa loob ng  ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas  alinsunod sa United  Nations Convention of the Law  of the Sea (UNCLOS) at maging sa naging desisyon ng Permannet Court of Arbitration sa  The Hague  noong Hulyo 12, 2016 na walang basehan  ang “historical rights na iginigiit ng  Tsina pahayag ni Goitia.

Hinikayat din ni Goitia na panahon  na upang tumindig  at magkaisa ang mga Piipino dahil ito ay usapin ng bansa at pag-agaw ng  ating sariling lupa at teritoryo.

“Ito at lantarang pagyurak at pag-alipusta sa ating mga Pilipino.  Ang pagbaluktot sa katotohanan ay hindi makatuwiran ayon pa kay Goitia.

Sa panayam  kay Goitia na Chairman Emeritus din ng koalisyon iba  pang malalaking grupo na kinabibilangan ng  Peoples Alliance for Democracy and Reform (PADER), the Alliance of Filipino Kabalikat sa Demokrasya (ABKD) at Liga ng Independencia ng  Pilipinas ( LIPI ) at ( KAMPIL ) Kalipunan ng Masang Pilipinoay nagpahayag na   masusundan pa ng ibat-ibang  pagkilos  ang naunang protesta kung hindi kikilalanin  at irerespeto ng Tsina   ang international marital   laws. (MSON)

Share.