Nakahanda ang mga bansa sa Asya na tumugon sa pangangailangan ng Pilipinas sakaling kapusin sa supply ng langis kapag lalong lumala ang sitwasyon sa Middle East.
Sa kanyang lingguhang vlog, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maganda ang nagiging usapan para sa posibleng supply arrangement sa mga nilapitang bansa at trade partners tulad ng India.
Nilapitan din aniya ng gobyerno ang China, Japan, Thailand, Brunei, at South Korea, at maganda ang naging pagtugon ng mga ito.
“Nakipag-usap na po tayo sa mga bansa na ating trade partners para sa posibleng supply arrangement, maganda naman ang nagiging usapan natin,” anang Pangulo.
Sinabi ni Pangulong Marcos na malaki ang bentahe kapag kaibigan ang mga bansa dahil nakahanda silang tumulong sa oras ng pangangailangan.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

