Opisyal nang binuksan ni Gerald Anderson ang kanyang riverfront resort sa Cabangan, Zambales.
Sa isang Instagram video ng kanyang resort na Trivera Zambales, inihayag ng aktor ang aniya’y matagal na niyang pinagtatrabahuhan.
“Happy to finally share something I’ve worked hard on, built and refined to be perfect from the moment you walk through the door,” saad sa post.
“I’ve been part of this journey from the ground up, and now we’re ready to welcome you. This is Trivera,” dagdag pa nito.
Ibinida rin sa video ang magandang tanawin mula sa kanyang resort at ang maaliwalas at magandang interior ng cottage.
Sa hiwalay na Instagram post ni Gerald, ibinahagi rin niya ang ilang pasilip sa kanyang bagong negosyo at paglalarawan pa niya, “Payapa.”
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

