Naka-street clothes ang ilang key players kasama si Donovan Mitchell (left groin soreness), nag-rally mula 18-point deficit sa third quarter ang Cleveland Cavaliers para itumba ang Brooklyn Nets 109-104 nitong Martes ng gabi.
Tuloy ang dating ng panalo sa 79th National Basketball Association regular season-leading Cavs (55-10), inekisan ang franchise record-tying 15th straight win. Inumpisahan din nila ang season sa 15-0. Laglag ang Brooklyn sa 22-43.
“What did we do? Oh, we clinched the Central Division,” natatawang pahayag ni center Jarrett Allen, nagsumite ng 23 points, 13 rebounds (6 offensive), 3 blocks. “That’s something. We had fun tonight. We still celebrate the little things.”
Namuno ang 38 points, 8 assists ni Darius Garland sa Cleveland, bumakas ng 21-9-6 si Evan Mobley.
Simple lang ang mensahe ni Mitchell sa partner niyang si Garland.
“Shoot the ball,” ani Garland, nilista ang 18 niya sa fourth. “Quote, end quote.”
Out din sa Cavs sina sixth man De’Andre Hunter (illness) at sharpshooter Ty Jerome (rest).
Bigong ibalik ng 27 points ni Cam Thomas at 17 ni Cam Johnson ang Brooklyn. Nagsumite ng 14 si Ziaire Wiliams bago na-fouled out.
Iwan lang ang Nets 101-99 sa final minute, mintis ang 3 ni Johnson at tumigil ang bola sa tuktok ng backboard. Kumaripas ng layup si Garland, sinundan niya ng dalawang free throws para ilayo sa anim.