Nagbitiw sa puwesto si retiradong heneral Carlito Galvez Jr. bilang Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa pinakabagong reorganisasyon sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa mga ulat.
Pinalitan si Galvez ni Mel Senen Sarmiento, dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Ang pagbabago ay kasunod ng isa pang transisyon sa hanay ng security officials, matapos magretiro si Eduardo Año bilang National Security Adviser at palitan ng dating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Eduardo Oban Jr., na nagsilbi rin sa administrasyong Aquino.
Kapwa nagsilbi sa Gabinete ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sina Galvez at Año bago magpatuloy sa administrasyong Marcos.
Ayon sa mga opisyal, bahagi ang mga pagbabagong ito ng patuloy na reorganisasyon sa Gabinete ng administrasyon.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

