Upang mapabilis ang paghahatid ng relief goods sa mga biktima ng kalamidad, magtatayo na ng Food Bank sa bawat probinsya at mga highly urbanized cities sa bansa.
Sa pagdinig ng House Committee on Disaster Resilience na pinamumunuan ni Cagayan Rep. Jose “Jojo” Lara, inaprubahan na ang tatlong substitute bills na naglalayong palakasin ang paghahanda sa kalamidad at mapabilis ang relief operations sa mga lugar na tatamaan ng kalamidad.
Kabilang sa panukalang ito ay pagtatayo ng food bank sa bawat probinsya, libreng paghahatid ng mga relief goods sa mga apektadong lugar kapag nagkaroon ng kalamidad tulad ng bagyo, lindol at iba pa.
Sa ilalim ng panukala, pangangasiwaan ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Food Bank at Stockpiling sa pakikipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Science and Technology (DOST) at Department of Interior and Local Government (DILG).
Nakasaad sa panukala na mag-iimbak ng pagkain sa itatayong food bank na magtatagal ng isang taon at kapag hindi naubos o nagamit ay kailangang ipamigay na sa mga tao sa lugar bago masira.
Bukod sa pagkain ay mag-iimbak din ng tubig, gamot at iba pang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.
Inaprubahan ang panukakala ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na huwag nang maningil ang mga freight companies sa paghahatid ng mga relief goods sa mga lugar na naaapektuhan ng kalamidad lalo na ang donasyon ng mga pribadong sektor, grupo o indibiduwal.
=====
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

