Kasalukuyang nagtutulungan ang pulisya at mga community leaders sa pagkilala sa mga pumatay sa 40-anyos na lalaking kilalang mapagkawanggawa at matulungin sa mga kaibigang mahirap, natagpuang patay, may mga tama ng bala sa isang lugar sa kanyang fishpond mismo sa Purok 6 sa Mother Barangay Kalangangan nitong Lunes, August 10.
Sa ulat ng Cotabato City Police Office nitong Miyerkules, mga nagbabantay ng mga fishpond sa Purok 6 sa Mother Barangay Kalangangan ang nakatagpo sa bangkay ni Antonio Herida Hugnatan Jr., nakandusay sa maputik na lugar sa kanyang palaisdaan, wala ng buhay.
Agad namang nakuha ng mga barangay officials at mga kamag-anak ang bangkay ni Hugnatan kung saan ito natagpuan at nadala gamit isang pumpboat sa kanilang tahanan, ayon kay Col. Jibin Bongcayao, Cotabato City police director.
Ayon kay Bongcayao, tumutulong ang mga community leaders at barangay officials sa Mother Barangay Kalanganan sa pagkilala sa mga pumatay kay Hugnatan upang masampahan ng kaukulang mga kaso.
Malayo sa mga kabahayan ang fishpond na pag-aari ni Hugnatan.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

