Nasawi ang isang 53-anyos na negosyante at financier ng minahan nang ratratin ng dalawang hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa Barangay Casalugan, Paracale, Camarines Norte.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Paracale Municipal Police Station (MPS) na 2:40 ng hapon nitong Lunes, kagagaling lamang sa bayan ng Daet ng biktima kasama ang kanyang asawa.
Pagdating sa lugar, naunang naglakad ang misis habang naiwan ang biktima upang iparada nang maayos ang kanilang sasakyan bago tumuloy sa kanilang mining site.
Habang papalapit sa gate ng lugar, bigla na lamang pinaputukan ng mga suspek ang biktima gamit ang hindi pa natukoy na kalibre ng baril.
Nagtamo ito ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang agarang pagkasawi, habang mabilis namang tumakas ang mga salarin sa hindi pa malamang direksyon.
Patuloy ang ang hot pursuit operation at malalimang imbestigasyon ng Camarines Norte Police Provincial Office matukoy ang motibo at maaresto ang mga responsable sa insidente.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

