Inaasahang mapapalaban si Filipino Grandmaster Engr. Asi Ching sa pagbubukas ng 21st Asian Xiangqi Championship Sabado na gaganapin sa Sampaguita Function room ng Manila Hotel.Makakalaban ni Ching sa Xiangqi kilala ding na tawag na Chinese Chess ang reigning World champion na si Vietnamese Lai Ly Huynh.
Mabigat makakalaban ko sa opening round ang kasalukuyang world champion,” sabi ni Ching.
Tinalo ni Huynh mula Long Province si Yin Sheng para tapusin ang tatlong dekada paghahari ng China.
Unang sinagawa ang world championship noong 1990 ay nakamit ng China ang titulo sa 18 editions ng men’s individual standard event.
Naka abot ang Vietnam ng finals dalawang Beses noong 2009 at 2023, Pero parehong nabigo makopo ang titulo.
Ayon Kay Tran Ngoc Long, team leader at head coach ng Vietnam, natangap ni Hunynh ang kabuuang cash incentives na USD 80,000 mula government at private pagkapanalo sa world championships.
Yung USD 39,000 mula Kay dating Vietnam Xiangqi President Nguyen Hui Luan.
Samantala ang Isa pang pambato ng bansa si International Master Manuel Tan ay haharap naman Kay Quang Nguyen ng Australia.
Ang men individual champion ay tatangap ng HKD 10,000 habang ang women’s individual champion ay mag-uuwi naman ng HKD 5,000.
Ang iba pang kalahok na bansa ay Hongkong, Macau, Singapore, Japan, Indonesia, Malaysia, Chinese-Taipei, Brunei, Myanmar, at Lebanon.
Kumpiyansa naman sina Philippine Xiangqi Federation President Chen Peidun at Xiangqi Master Jackson Hong na magbibigay ng magandang laban Ang dalawang pambato ng Pilipinas.-Marlon Bernardino-

