Target ng Filipinas ang women’s national football team ng bansa na makahakot ng medalya sa 20th Asian Games na gaganapin sa Aichi-Nagoya sa susunod na buwan.
Ang nasabing torneo ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa 2027 FIFA Women’s World Cup na gaganapin sa Brazil.
Noong Hunyo ay nagsagawa ang koponan ng dalawang tune-up games sa US labang sa San Diego Wave at Albon San Diego.
Maituturing na ang Asian Games ay siyang unang torneo kung saan sasabak ang Filipinas mula ng sumabak sila sa AFC Women’s Asian Cup sa Australia.
Muling nakabalik sa World Cup ang Filipinas sa pamamagitan ng 2-0 na panalo laban sa Uzbekistan noong Marso.
Sinabi ni Filipinas coach Mark Torcaso na ang nasabing sitwasyon ay isang oportunidad umano para mapalawig ang kanilang mga manlalaro na hindi makapaglaro sa Asian Games at bahagi na rin ng FIFA International window.
====
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

