More than a year na rin when Maja Salvador returns to her home–ang ABS-CBN.
Matatandaang isa si Maja sa mga umalis sa bakuran ng network nang mawalan ito ng prangkisa.
Sinalo naman ng noo’y Tape-Inc. pang produced na Eat Bulaga ang aktres noong 2021.
May dance search segment pa nga siya roon.
In no time, nagkaroon din si Maja ng sitcom kasama si Bossing Vic Sotto under the latter’s MZet Productions.
But all this time ay hindi naman maituturing na Kapuso si Maja dahil ang sinalihan niyang mga shows ay blocktimers, hindi station-produced.
Maja later on spread her wings.
Itinatag niya ang kanyang Crown Artist Management bilang talent manager.
At pagkatapos nga ng tatlong taong pagkawalay sa ABS-CBN, Maja went back.
Isang grand welcome pa nga ang inihanda ng ASAP Natin ‘To para sa kanyang pagbabalik.
Pero kung marami ang natutuwa na balik-Kapamilya ni Mrs. Rambo Nuñez ay marami rin ang dismayado hanggang ngayon.
Partikular kasing inalmahan ng mga tagahanga ni Kim Chiu ang naging pagtanggap ng istasyon uli kay Maja.
Unfair daw gawaran ng ganoong pagpapahalaga si Maja kumpara kay Kim na hindi matatawaran ang network loyalty.
Binagyo na raw kasi’t lahat ang ABS-CBN, nakaranas pa nga ng higit pa roon ay nananatiling Kapamilya si Kim.
Our take on this?
Kung si Kim na nga mismo ay hindi nariringgan ng reklamo, ‘yung mga fans pa niya ang may lakas ng loob na manumbat?
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman
