Maaari nang magamit ng mga guro ang service credits na nakuha nila sa election-related work nang anumang oras matapos nilang magawa ang tungkulin, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa Resolution No. 11212-A, sinabi ng Comelec na kinikilala nito ang pangangailangan na amyendahan ang kautusan na nagsasabing ang mga guro ay kailangang magamit ang service credit nila sa loob ng tatlong buwan matapos ang special elections, plebiscites, initiatives, referenda, o recall elections.
“For NLES (National and Local Elections), BSKES (Barangay and Sangguniang Kabataan Elections) and BPEs (Bangsamoro Parliamentary Elections), special elections, plebiscites, initiatives, referenda, or recall elections, the service credit may be availed of at any time after the date of the election or electoral exercise,” ayon sa Comelec.
Bago nito, ilang grupo ng mga guro ang nagpalutang ng isyu sa Comelec at humiling sa komisyon na alisin ang expiration.
Sinabi naman ng komisyon na ikinokonsidera nila ang mga alalahanin ng Alliance of Concerned Teachers Party-list at Department of Education.
Ang resolusyon ay agad na ipatutupad matapos ang publikasyon sa dalawang pahayagan maging sa website ng Comelec.
=====
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
