Patay ang 76-anyos na dating municipal councilor nang maaksidente ang sinasakyan nitong Bonggo sa Purok Pioneer, Barangay Poblacion, Sto. Niño, South Cotabato, nitong Setyembre 4, 2026.
Kinilala ang nasawi bilang si Ludim C. Bandada, 76-anyos at dating municipal councilor ng naturang lugar.
Sugatan naman ang kasama niyang si Kayce Joy Bandada, 27-anyos.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, galing Surallah ang sasakyan at minamaneho ni Bandada nang bigla umano itong mawalan ng kontrol.
Bumangga ang sasakyan sa center island at saka tumama sa poste ng solar light.
Agad na rumesponde ang mga emergency responder at isinugod sa pagamutan ang dalawang biktima.
Gayunman, idineklarang dead on arrival si Bandada.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye at sanhi ng aksidente.

Share.