Sa wakas, the long wait is over.
Makaraang isilang ni Ellen Adarna ang kanilang anak ni Derek Ramsay six months ago’y ibinalandra na ng mag-asawa ang super cute na sanggol.
Posted in their Instagram accounts, makukyutan ang sinumang makakita kay Baby Liana.
“Our littol Lili®Kurdapya,” caption ni Ellen.
May video pa kung saan nilalaro ng Fil-Brit actor ang pisngi ni Lili.
Still another video shows na kasama naman si Elias, ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz.
Wait, there’s more!
Noong 12 days old pa lang kasi si Baby Liana ay may photo shoot na siya.
Wearing a flower headband at nakakumot na mistulang anghel, kinakitaan na agad ng pagka-cute ito.
Kung matatandaan, natupad ang pangarap ng celebrity couple na magkaroon ng supling born in the Year of the Dragon.
That makes Baby Liana the third member of the family na isinilang sa taong ‘yon.
May kapaniwalaan na suwerte raw ang tatlong Year of the Dragon born sa isang bubong.
During her pregnancy, hindi rin nagpa-baby shower at gender reveal si Ellen.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman
